ITO AY NAGLALAMAN NG MGA KARANASAN BASI SA AUTHOR NA NGBABAHAGI NG KWENTO..
IM FALLEN PART2
By: Drake Cantillon
Hi sa inyong lahat, first time q po ilalathala itong karanasan ko sa pag-ibig. Isa po akong bisexual at ang istorya pong ito ay patungkol sa pinakamalaking kamalian na nagawa ko sa'king buhay, ang naging dahilan ng pagkawala sa'kin ng aking pinakamamahal.
Lumipas ang mga araw sa eskwelahan na siya ang lagi kong kasa-kasama. Naging dahilan iyon ng pagkakaroon ng distansya sa amin ng aking mga kabarkada. Ngunit kahit magkaganon, sinabi nila sa akin na naiintindihan nila ako at talagang sineryoso ko at gusto ko talagang manalo sa pustahan. Ang matatalo kase ay sasagot ng 1-day expenses ng mga mananalo sa isang sikat na mall dito sa amin. Although may kaya kaming lahat at okay lang iyon, ung thrill daw ng pustahan ang hinahanap-hanap nila.
Ilang beses akong nagpahiwatig kay Jake ng aking damdamin at balak sa kanya ngunit parang wala lang ito sa kanya. Umiiwas siya ng tingin tuwing magkakatapat ang aming mga mata, lagi lang siyang napapangiti kapag bumabanat ako ng mga corny lines, ngunit ang pinakakakaiba ay tumatakbo na siya papalayo tuwing tumatabi ako ng super lapit sa kanya. Nakakatuwang bata.
Minsan, niyaya ko siyang magpunta sa mall nang kami lang dalawa. Pinaunlakan niya ako at doon nangyari ang una kong engkwentro sa kanya bilang bi. Nasa shakey's kami noon ng bigla ko siyang hawakan sa kamay habang nakapatong ang kamay niya sa lamesa. Noong una ay pilit niya itong inaalis at inilalayo sa akin ngunit nang makailang ulit ay pumayag na rin siya. Napansin kong naiilang siya ngunit ramdam kong nagugustuhan niya rin ito. Naramdamn ko nanaman ang hindi maipaliwanag na pakiramdam na para bang naaakit ako sa kanya.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento